Home

Advertisement

Customize

followdown

Recent Entries

5/11/06 10:11 pm - nais ko ay malaman mo

sorry at matagal nang di nag-update. pero gusto ko yung araw na to kaya isusulat ko dito. :)

masama pa nga gising ko at tinatamad ako kumilos pero kelangan kasi may orientation yung kapatid ko sa school kaya sabay na lang kaming papasok para maturo ko rin kung san yung pupuntahan nyang building. bad trip sa pag commute kasi nag short cut kami pero traffic din pala sa c. p. garcia. pagdating dun kala ko kelangan yung form 5 kasi may sign na "show your form 5" e pinaiwan ko nga para di mawala. yun pala ok lang naman na di nya dala.

tapos na dapat term ko sa SA pero may tinatapos lang na project, so sumaglit lang ako ng trabaho. tapos, yun pala, kelangan naming pumuntang new building. paano kasi, nagsimula na kaming magpalipat ng ibang gamit dun kahapon pero di pa pala inaakyat dun sa bagong kwarto kaya nakatambak pa yung gamit sa first floor. kaso, plano ko sana nung hapon na tumulong sa pag-aasikaso nung mga kailangan para sa pagpapa-recognize ng org namin sa college. buti na lang naintindihan ng orgmate ko kaya sya na lang sumalo ng trabaho.

sumunod ako sa new building at tumulong magbuhat (mula 1st hanggang 3rd floor). ang lawak ng bagong kwarto nung research group, parang 4x ang kinalaki dun sa dati. nakakatuwa nga sanang mag-isip kung anong pwedeng ilagay dun. tapos ang ganda pa ng view, sa kanto kasi kami na nakaharap sa dulo ng c. p. garcia.

pagkatapos nun, nanlibre adviser namin sa pancake house. nung nasa taxi kami pabalik ng school, dapat didiretso kami sa old building kaso napansin namin na iniwan naming bukas yung mga bintana ng kwarto kaya bumalik kami sa new building. andun na rin lang kami pinasyalan namin yung mga ibang kwarto, at maganda yung mga nakita namin. ngayon alam ko na kung bakit kinakabahan yung ibang units sa college sa kung ano ang mangyayari kapag yung director ng institute namin ang maging dean.

dun nga sa new building pwede kang magshoot ng pelikula e. dun sa maraming computers at offices, pwedeng corporate setting. syempre sa classrooms, scholastic setting. sa gilid, pastoral setting. sa tapat, village setting. at may labs pa.

bumalik sa old building, kung saan tumambay muna ako. nakipag-kulitan sa mga ibang batchmates. syempre, best news of the day is nadiskubre namin sa RM na may progress pala ako. yehey?

10/22/05 09:44 am - nagpolo pa ako

ang tagal ko na daw di nag-uupdate.

intense kagabi! kapagod kahapon! work hanggang 1030 nang gabi, tas what a night sa tribu, small world. pero ang hirap umintindi kapag ang mga gumagawa ng mga plano pawang mga may tama, haha.

kamusta sem ko? sabi ng lahat ng tao ang busy daw, hehe. siguro ito na yung sem na yung mga lows, malalim talaga.

pero yung highs? sobrang saya.

see you in iloilo!

9/13/05 08:45 pm - na parang hindi na tayo bibitaw

narealize ko, nung previous entry, hindi pa nagsimula ang kasagsagan ng ka-emohan. pero lipas na ang july at august, kaya sa september, puksain na ang pagiging olats!

kaya lang naman ako nagpopost ay gusto ko lang ishare ang unang linya ng preface ng Hassani (isang mathematical physics book):

"If mathematics is the language of Nature, then physics is its poetry."

may nagsabi nga sa kin kamakailan lang, "pang nerd-next-door ka kasi". good luck.

anyway, nakita ko rin yung entry bago nun, at parang ang sagot ay, "sabog". ang dami kong ginagawa pero ang dami ko ring hindi nagagawa, at natatapos. pero,

acads: kung may lost, ako na yun, talo ko pa yung show

SA: nice moments kapag na-aappreciate gawa mo, at sinong mag-aakala na matindi rin pala sense of humor ng mga taong hinahangaan mo dahil ang gagaling nila

lab: ang daming katatawanan, tapos ang husay din talagay nila dun, at natotouch ako kapag tinatanong ako kung bakit wala pa akong shelf o susi samantalang di pa naman ako officially taga dun

org: minsan sobrang nakakapagod kapag maraming inaasikaso o inaalala pero paminsan minsan may mga nangyayari na mapapasabi ka na lang sa sarili mo, "ah, kaya nga pala ako nandito"

, ayun.

saka salamat sa mga bago at lumang kaibigan. sa suplado kong 'to sinong mag-aakalang magkakaroon ako ng mga katulad nyo sa buhay ko.

8/18/05 09:08 am - and you're not thinkin' 'bout tomorrow

dahil gusto ko ata matandaan ang araw na ito

approximate times given

Wednesday, August 17

0120 tulog pagkatapos magtxt ng mga tao na pumunta sa
CS fun run mamayang 7

0530 gising

0600 txt ng mga tao

0715 dating sa Quezon Hall, para sa CS fun run

0730 hagilap, txt, tawag ng mga tao dahil kulang pa ang
tatakbo para sa org (5 ang minimum)

0800 ok na, napapayag naming sumama yung isang app na
dormer kahit di pa nya tapos problem set nya

0810 jog sa oval

0825 pagkatapos mag-remit sa CS council ng pledges, sakay
papuntang don antonio

0845 dating sa scuba PE ng 45 minutes late pero ok lang
kasi abot pa sa last batch ng bababa sa pool

0930 basta, astig ang scuba ngayon. tapos pinulikat ako
ng konti pero nagawa ko pa rin yung pinapagawa.
proud ako sa sarili ko kasi hindi ako nag-panic.

1010 sakay ako papunta ng Philcoa, sabay ng dalawa kong
kaklase. tapos napag-usapan nila yung dati kong
high school pero di na lang ako umimik, haha.

1040 dating ng school, tambay muna. tapos akyat para mag-
trabaho ng konti.

1145 punta ng SC para magpa-photocopy ng maraming bagay
at kain na rin

1230 balik ng building namin pero dahil may mga nakasalubong
sa poolside daldalan muna. bago pala nun na-survey
pa ko para sa STS. ang tanong: "naniniwala ka ba na
nag-land nga ang apollo mission sa moon?"

1315 punta ng room para magtrabaho

1330 nawalan ng battery phone ko pero buti nakita ang
adviser, na dala-dalawa pala ang charger sa belt bag

1420 pagkatapos mag handa ng mga imemail, tinxt dahil gusto
na daw umalis ng mga applicants na nagpapasama sa
practice session nila sa celeb

1500 stuck in traffic sa balara, pinark na lang ng orgmate
ko kotse nya at nilakad namin ang kanto ng capitol mula
romulo hall

1530 dating sa celeb, at kahit pagod na, nakilangoy din dahil
yun yung pinapagawa naming training sa apps

1600 samakatuwid di rin ako tumulong talaga sa pagturo sa apps
ang bait ko haha

1645 alis ng celeb dahil may talk / seminar pa sa research group
haha buti na lang may tricycle

1700 dating sa building, nakita ang high school classmate na
paalis papuntang trieste na bumibisita sa research group
namin ("namin", ang kapal, haha di pa ata ako official
member)

1740 by this time wala na akong naiintindihan sa talk.
di ko rin masyadong masundan yung math.

1810 sabi kasi magmemeet ng 6 sa tambayan para sa surprise party
ng isang orgmate ko pero wala pang tao kaya nangapit-bahay
muna ako

1840 may tao na sa tambayan kaya lipat na ko dun

1910 punta na kami sa bahay ng orgmate ko para maghintay, medyo
panic pa kasi sabi ng kasama nya nun malapit na daw silang
umuwi

1945 naghintay kami sa bahay nila nang nakapatay yung ilaw. pero
nabisto kami dahil kita pala yung ilaw nung mga kandila sa
bintana nila. saka kilala ng orgmate namin yung mga payong
namin na nakaiwan sa labas ng pinto nila. ayos, no?

2000 isang masayang kainan. at dahil org nga namin yun ang dami
na namang hiritang nakakatuwa.

2130 uwian

2215 idlip kagad pagkahiga

7/4/05 07:54 am - I wonder all the time why worry

sinong nakapag-bike na sa loob ng CS Atrium? :-)

acads + SA + org + lab = paano?

6/30/05 09:12 pm - when the world was younger and you had everything to lose

role reversal: na stress ako dahil sa org, tapos yung trabaho ko sa SA yung nagpagaan ng loob ko.

buti na lang hindi naman mga tao sa org yung problema, masyado lang talagang maraming ginagawa at lately madalas na bigla na lang may dumadating na mga kamalasan at pagsubok. parang kanina, may bago na naman.

bumalik ako sa 3218 pagkatapos naming pag-usapan sa tambayan ang mga bagay-bagay, at nakakapagtaka pero na-relieve yung stress ko habang nagtatype ng kung anu-ano. ang masaya, nagkaroon pa kami ng magandang conversation ni ma'm j, at yung ginagawa namin sa org ang isa sa mga napag-usapan. nagkakataon kasi na isa sa mga research nya ay in collaboration with MSI so may mga ok din syang kwento. natuwa ako, kasi yung mga magkakaiba na parte ng buhay ko parang nag-iintersect.

earlier, in quantum mech.:

Prof: "When Feynman would read a page, the equations would jump out to him in color ... Kayo ba hindi ganun?"

syempre napangiti na lang kami, kasi, ano ba naman yun?

Prof: "Hindi, kasi di ba, bihira ang tao na nakaka-dream in color. When you close your eyes to imagine something usually black and white lang yan. Kayo ba color kayo pag nananaginip?"

tungo naman ako. paano kasi, last week ata yun, nanaginip ako na may dance daw sa rooftop ng humanities building ng high school, tapos yellow and red balloons yung decoration. ang natatandaan ko, nag-react daw ako ng, "ano ba naman to, kulay McDo"

by the way, pag may nakita kayong poster sa school na nag-iinvite ng applicants sa org ko may 75% chance na ako kumuha nung litrato, haha, gusto ko lang talaga banggitin.

nakwento ko ang araw ko kanina sa dad ko habang nagdidinner tas nasabi din nya na parang baka daw masyado akong napapagod. oo nga, kung may pagod, ako na yun, pero sabi ko sa dad ko, "pagod nga. pero i wouldn't have it any other way. masyado akong madaming natututunan sa org at sa pagiging SA."

6/25/05 07:39 am - at sa umagang darating lahat ay aking kakayanin

yeah! sana nga. hindi lang sa umaga, sa buong sem!

i liked yesterday. which is rare. that's why i'm posting.

hindi naman siya magandang araw, at hindi rin marami ang nangyari. parang for once na-engganyo lang ako sa buhay kahapon haha.

nung umaga naki-epal ako sa 10 dahil nakita ako ng prof dun at dapat ipapakita nya sa kin yung na-download niya na animation ng Copernican model pero di gumana. so yung iba na lang na animation para sa lecture na yun yung nakita ko. ok rin pala yung classroom nung 10 sa bagong building.

at ginawa ko yun habang dapat nagsisimula na ako ng experiment sa majors lab. ang lamig nga sa bagong advanced lab, naniniwala na 'ko. tapos, di namin mapagana nang maayos yung software pero ok yung gamit namin. yung kabilang group, masyadong sensitive yung light sensor nila, pero nakuha naman nila yung tamang settings sa computer. therefore, merge. at gumana lang ang lahat (with the instructor's help) ng mga 12:20 eh 1 yung tapos ng klase. ang mas nakakagulat, natapos pa rin yung experiment bago mag time.

tapos dapat may ipapadala ako via LBC (SA job) tas naisip kong hindi ako makakarating kagad sa Philcoa mula sa bagong building kaya sa Katipunan na lang. tapos, ang traffic pala! linakad ko hanggang KFC bago ako nag-tricycle kasi yung LBC nasa likod ng Petron, sa may flyover.

nakabalik ako ng UP mga 2:00, kasi gagawa pa kami ng group problem set sa subject ko na 2:30 ang pasok. buti natapos naman, pero parang kung magiging mapanuri ka hindi dapat pwede yung isa naming sinubmit pero ok lang kesa kulang.

yun palang klase ko ng 2:30, hindi magkaklase. pinasubmit lang yung PS tapos nag-iwan ng bagong groupwork for next meeting. so nagpaka-SA muna ako at nag-print ng pinapaprint pero no, nagloloko yung printer. eh laser yun wala akong kaalam-alam. buti na lang dumating ang boss ko at naayos din.

sumaglit ako ng tambayan kung saan nagpang-abot kami ng orgmate ko at dahil wala siyang panali sa buhok at magsusuot siya ng bike helmet, gumamit siya ng straw (yung plastic na manipis). org ko nga naman talaga. ako nagbuhat nung bike nya paakyat at pumorma pa ko sa parking lot na nakasakay pero di ko naman pinaandar (may entry diyan ng october at may kwento tungkol sa adventure ko sa pagbabike tignan nyo). nababaan kasi ako, tapos hiniritan pa ako ng orgmate ko na, "bakit? magka-height naman tayo". true, pero ang baba nung pedal parang ang daling sasayad.

tapos yung CWTS ng NIP, isa sa mga gagawin ay tumulong sa IYOP activities, at kaibigan ko yung na-assign dun kaya ok. pasimple pa ko, sabi ng boss ko, "ayan, mababawasan trabaho mo." ako naman, "ha, e wala naman akong masyadong ginagawa sa IYOP". totoo naman. supposedly may meeting sila ng boss ko pero ang ginawa namin dun sa office ay nagkwentuhan haha.

inabot ako ng mga 6:00 dahil sa kung anu-ano, at pagkatapos ay bumaba ako ng tambayan. ang daming bagong gagawin!!! pero parang ngayon imbes na ma-stress parang na-excite ako. parang high school days, yung absurdo yung dami ng kailangang gawin. org, kaya natin 'to.

kakakita ko lang sa video ng "the day you said goodnight". naks naman, back lighted na nga may hangin pa. ano ba ibig sabihin ng kantang yun? at ang may string section pala na kanta nila ay yung "kung wala ka".

teka magtatabas pa kami ng damo sa labas ng tambayan.

5/23/05 06:49 pm - "only because I'm so in love!" "no, only because I'm so in love with you..."

or something like that. ang never ending kabaduyan ni padme at ni anakin. (wait, natapos din pala, panalo talaga yung linya nung med robot)

at isa na naman pala 'to sa mga pagkakataong ang langoy sa daungan ay nagiging gimik sa kung saan.

hindi ko alam kung nagbago na nga talaga yung mga hilig ko mula nung 3 years ago (nung paglabas ng *ehem* Attack of the Clones *ehem*) pero ang di ko talaga makalimutan sa episode III ay yung part kung san tumatakas si Obi-Wan nung nasa Utapau (the prehistoric-looking planet) siya. lumangoy kasi siya sa malalim para di makita tapos pagkatapos nag-scale siya ng rock wall.

sabi ko talaga sa sarili ko, "dive and climb! yun na yun!"

hanggang nung pauwi kami sinasabi ko sa mga kasama ko, "naiinggit talaga 'ko kay Obi-Wan"

kung naabutan ni Mama lahat ng ito di ko alam kung makukuntento siya sa mga naging paliwanag ng mga ilang bagay, kasi ako parang hindi. pero pareho lang siguro kami ng naging reaksyon nung tumugtog yung theme paglabas ng credits: mapapangiti nung maliit naming ngiti, yung ngiti niya sa litratong nasa sala sa bahay, na halos katulad nung ngiti ko sa HS grad pic.

sa lahat ng pagkakataong sinabihan mo ako ng "may the force be with you", Ma, salamat.

5/17/05 06:27 am - ang tulad kong parang timang

ika nga ng isang kaibigan ko, ang hilig ko daw magtanong ng, "bakit?"

ililista ko lang ang mga paborito kong linya sa kantang ito, na gustong gusto ko ngayon:

"ang tulad kong parang timang na di pa rin maintindihan"

"ngunit bakit pinilit kung ayaw kong masaktan?"

"o bakit ba, pag wala ka na, ako'y kulang?"

alam kong katangahan na siguro 'to pero sana totoo yung nakasulat dun. dapat nga hindi ko na iniisip yun pero pagbigyan na 'ko at wala namang nangyayari sa 'kin.

3/22/05 11:57 pm - it's too far away for me to hold

at imbes na tapusin na ang report para ma-email na sa prof.

gumana na siya sa wakas. sana gumana din siya bukas sa project demo. pero kahit na at least gumana na siya nang isang beses.

gusto ko na nga magka-"moment" kanina, ika nga ng mga kaklase ko. pero di dahil sa project.

anyway, may points pala para sa demo style! hirit ng lab prof, "pero di ibig sabihin nyan kelangan nyong sumayaw."

tutula na lang ako:

"Ako ay may circuit,
Marikit na marikit"

Ok di na 'ko makaisip ng katugma nyan.

3/21/05 08:51 pm - here i go scream my lungs out

at hindi pa rin gumagana ang project. hindi.

sobrang saya nung orientation kahapon. had the most fun in a while. ang weird ko na naman humirit nun, pero ok lang. natuwa pa nga ako kasi parang bumalik nang konti yung parte ng sarili ko na unti-unti kong nawala simula nung tumuntong ako ng college. saka ang dami kong natutunan! at banggitin ko na rin, small world pala talaga.

3/19/05 09:01 pm - guess you never felt that way

araw, gabi, umaga, hapon, _ _ _ project. parang sinakop na nya buhay namin mula last week. parang wala ka nang ibang maatupag pag asa skwela ka. parang kahit anong oras (10 ng umaga man o 10 ng gabi) e matatagpuan kami sa lab. parang kahit gaano katagal kaming magtrabaho dun e di pa rin namin mapagana lahat. parang lahat yun di parang lang.

sana gustuhin ko na matapos na nga namin sya. kasi sa sobrang pagkasanay ko na kahit magtrabaho ka e hindi pa rin gagana yung project, di na ko nadidisappoint tuwing uulitin namin (nakailan na ba? 3? at buti sana kung madaling ulitin e parang isang araw rin kayang bumuo ng ganun)at hindi pa rin gagana. hindi sa nawalan ako ng drive na gawin sya, sige, gagawin ko pa rin. ang attitude ko lang kasi, parang, "o sige, uulitin ko pero di ako umaasa na gagana pa 'to" kaya tuloy mas madali na rin akong magkamali sa paggawa kesa dati. dati ang lakas pa naming umasa na gagana din sya sa wakas tuwing inuulit namin o inaayos pero ngayon, wala na talaga kong ganang umasa.

3/6/05 08:02 am - aalis tayo sa tunay na mundo

dahil sabi ko nung Friday ay mag-uupdate ako, totohanin ko lang.

at ang ka-update-update na kaganapan ay: wala nang _ _ _ lec! tapos na!

di ko malagay sa salita kung gaano kalaking ginhawa yan.

ba't hindi ako halos nag-update ngayong 2nd sem? di naman sa busy. at di rin dahil walang nangyayari. as with all things sa buhay ko, tinamad lang ako.

tugtugan ng mga banda next Saturday, mukhang masaya yun.

12/8/04 09:49 am - back to school after the storm

bale, wala pala akong halos nagawa sa sembreak list ko. hehe.

ang weekend ko -- sabado: CCHQ (sana may pambili ako ng paperback), frisbee sa sunken (improving kahit papano), at dentista (nako); sunday: swimathon (with pics! laruan na talaga yung camerang yun), mushroomburger (parang di kami dumaan dun last week sa tagaytay pabalik galing dive).

pagkatapos ng mahabang panahong walang pasok dahil sa bagyo ay wala pa rin akong ganang mag-klase nung monday. tapos hindi rin nag-klase yung isa kong subject nung hapon. ok lang. napa-metro east na naman ako mag-isa.

kahapon naman, tuesday, wala kaming napala sa lab. umabot sa punto na sabi nung ka-group ko, "pa-sign natin kay sir yung notebook." sagot ko, "anong ipapa-sign natin? wala naman tayong data."

tapos, nawalan ng lec. biglaang pagpunta sa ever kasama ng mga taga-org. aba, may mga nalaman akong bago. "ayos, no?" pero habang nagkukuwentuhan sa tambayan nakapulot ako ng unexcpected insight galing sa isang ka-org ko. hmm. di ko akalang dun mapupunta yung usapan.

parang nitong mga nakaraang araw may mga nakikita akong matagal ko nang di nakikita at mga nakakausap na matagal nang di nakakausap. (hindi lang dahil matagal ngang walang pasok, mga tipong maraming linggo na ang nakalipas.) gusto ko lang banggitin.

10/26/04 08:49 am - the sembreak list

maglaro ng pc game
mag-aral para sa theory exam
kumuha ng maraming pics
simulan ang trabaho para sa scientia
bumili at manood ng mga dvd ng foreign films
mag-practice ng tugtog
lumangoy nang matagal-tagal sa pool
mag-ayos nang konti ng kwarto
magluto ng imbentong pasta sauce
manood ng sine sa sinehang di pa napupuntahan


Magawa nga kaya eh nangangalahati na yung sembreak wala pa 'kong naaatupag sa mga 'yan.


Nasa tambayan kami kahapon para sa tambayan clean-up saka para na rin sa GA. Tinabas din yung mga halaman sa tabi nung hagdan pababa ng tambayan. Nung natapos kami sa clean-up late na, kaya nagdidilim na nung nag-GA, eh wala pa naman kaming kuryente dahil di pa naaayos nung mga katabing org yung bayad. Nagbiro tuloy yung isang mem nang, "Hala, lalabas na yung multo sa tambayan."

Maya't maya, napansin nung mga tao na may kumakaluskos dun sa halaman ng gabi sa labas ng tambayan.

Syempre medyo natakot yung mga tao. Biro nung isa, "Hala, may ginalit tayo dun sa pagtatabas." Sabi tuloy ng batchmate ko, "Bilis na kasi! Baka tayo gabihin."

Natawa ako kasi ang pumasok na mental image sa 'kin dun sa "gabihin" ay humahaba yung mga tangkay ng mga halaman ng gabi sa labas tapos papaikutan yung tambayan at di na kami makakalabas. Smothered by gabi, ika nga. Ang kati nun!

10/25/04 10:49 am - week in review

hindi ata linya mula sa kanta ang title ng entry na 'to.



LAST WEEKEND (FRIDAY, October 15 to SUNDAY, October 17):

Induction! Masaya. Nakakapagod nga lang. Nung hapon nga ng Sunday ang sabog na daw ng hitsura ko. Ang dami kong ginawa na di ko akalaing kaya ko pala. Saka dito ko nakita kung gano kagaling ang mga ka-org ko, old members man o kaming new members. Maganda rin yung lugar, at enjoy mag-dive, lalo na't first time kong makakita ng corals nang malapitan at di lang sa TV.

Saka pinulikat lang pala ako nung bumaba ako ng bangka nung pauwi na.



MONDAY (October 18)

Bangag pa rin, di pa rin ata bawi ng tulog. Pero feel na feel ko pagka-member, dala ko pa yung susi ng tambayan kaso di ko mapagana, may style pala dun. Nagbaba ako ng gamit nung hapon para sa rummage sale namin, at nag-sort na rin yung group namin. Ang daming dala ng groupmate ko, 7 bags, ang tindi.

Sa gabi, nag-dinner ako kasama ng high school friends. Tapos nun hinintay namin yung iba pa naming kasama, at nag-videoke kami sa IO. Hanggang 12:30 kami nun, sinulit talaga yung sing-all-you-can promo. Bumili yung isa sa 'min ng kape, at tumambay kami sa Mister Kebab pagkatapos, kung saan panalo ang pagkain kahit kelan. Syempre sa isang gabing katulad nito maraming katuwaan at kwentuhan ang naganap, kaya enjoy naman.



TUESDAY (October 19)

Pahinga lang. Tinutulungan ko sana yung isang kaibigan kong mag-research pero di ko mahanap yung kelangan, buti nakita din niya.



WEDNESDAY (October 20)

Dapat may tambayan cleanup pero di natuloy, ika nga ng dinatnan ko dun, "Walang cleanup kasi magulo." Basta di daw muna kasi nakatambak pa yung ibebenta para sa rummage sale. Nandun na rin lang ako nagtagal na 'ko ng ilang minuto. Nagbasa ako ng members' logbook kasi pwede ko nang gawin yun. Nakakatuwa pala yung mga bagay na madidiskubre dun.

Pagkatapos nun nagpunta ako sa Albert para kitain yung mga kaibigan ko. Kukunin ko rin yung backpack na pina-customize ko na kinuha nung isang matalik kong kaibigan para sa 'kin nung wala ako sa kabihasnan at dumudugo ang tuhod ko sa dagat (buti na lang walang shark). Para sa ate ko kasi yung pack. Nag-lunch kami ka sa Bomika, nakita ko pa nga dun yung TL namin sa dive na alumni ng org, saka papunta rin pala dun nakasabay pa namin sa Ikot yung isa kong co-app. Ang tagal kong tumambay sa Albert, hinintay ko silang matapos ang mga gawain sa lab. Nag-dinner pa kami sa Jollibee Philcoa. Ako, Karamihan ng mga kwento ko tungkol sa induction, at iba pang bagay tungkol sa org. Pero marami rin akong narining na mga kwento, tungkol sa iba't ibang mga bagay. Masarap makipagkwentuhan, lalo na't kasama ang mga kaibigan.



THURSDAY (October 21)

Napadpad ako uli sa Jollibee Philcoa, pero nakipagkita naman ako sa matalik kong kaibigan para pumuntang Galle, buti nga natuloy kahit yung kasama ko puyat. Hinagilap kasi namin dun yung ireregalo ko sa ate ko, isang Fluidsurf na bag. Wala kasing ganun sa kanila dahil local brand yun. Maganda naman yung nahanap namin. Inasikaso ko na rin yung iba pa nyang pinapabili. Di nga lang ako nakahanap ng gusto kong PC game para malaro ngayong sembreak. Nanood rin pala kami ng Shark Tale, na liban sa nakakatawa naman talaga e bentang benta dahil sa di masyadong subtle na subtext ng character ni Jack Black.

Di rin pala namin inasahan na makikita ang isa naming blockmate na hinihintay ang kanyang boyfriend sa Dunkin. Nakipagkwentuhan kami, nakakatuwa nga kasi ang natural ng usapan, kahit medyo di namin nakakausap yun masyado. May napulot pa tuloy ako na chika.

Kami rin ng kasama ko, ang dami din naming pinagkwentuhan, parang di kami nagkita kahapon. At lumamon pa kami sa Popeye's, kaya solb talaga lakad namin.



FRIDAY (October 22)

Medyo nalate ako nung pagpunta sa rummage sale. Nung una nakakaaliw kapag nakakabenta ka. Pero nung lumaon nakakapagod na, at kapag madami yung tao, nakakalito. Kaso oks lang dahil sadyang masiyahin ang mga tao sa org. Napagtripan yung mga binebenta dun, paano, yung iba medyo kakaiba naman talaga. Sinusuot nung mga tao yung mga nakakatawang damit, minsan dahil gusto nila, minsan naman dahil ginoyo ng ibang mems, tulad nung naglaro sila ng pusoy dos tapos ang matalo kelangan magpatong ng damit.

Nung una nakapwesto kami sa kalsada pero lumipat kami sa multipurpose hall nung tumaas yung araw. Niyaya kami nung isang mem na sa Bomika (na naman!) maglunch. May bike kasi yung dalawa sa 'min kaya ginamit yung mga yun, tapos nagkotse yung iba.

Pagkatapos ng lunch nagmaganda ako at nag-volunteer na ako na lang magdadala nung isang bike, kasi yung nagdala nung papuntang Krus na Ligas ay kumakain ng ice cream. May mga problema dun sa ginawa kong yun. Una, di ako masyadong marunong magbisikleta. Pangalawa, nung sumampa ako, nahihirapan ako dahil nakapantalon ako at pag nagpepedal gumagasgas yung sugat ko dun sa maong kaya mahapdi. Nahuli tuloy ako. Tapos, pababa nga pala yung kalye papuntang multipurpose hall. Nung malapit na, di kumakagat yung preno masyado kaya di ako makahinto. Yung kotse nung isang member, nakapark sa tabi nung kalsada, tapos sa gilid may mga halaman. Sa pagitan nung kotse saka mga halaman nagtuloy-tuloy yung bike, habang ako naman ay sumemplang sa hood nung kotse. Buti di nagalit yung member, mabait naman kasi siya saka nadumihan lang nung handlebars yung gilid nung sasakyan, akala ko nga nagasgas, salamat na lang at hindi. (Syempre dito kinukuwento ko nang buong-buo, wala na ngang nakakita na nangyari 'to, tapos ang konti pa ng may alam sa org.)

Mas konti yung mga bumili nung hapon, pero ok lang kasi nakarami naman na yung group namin. Ang isa pang nakakaaliw, kami-kaming mga andun e namili rin ng mga gusto namin dun sa rummage (may bayad pa rin, pero ang laki ng discount sa sarili).

Tinatamad na sana ako pumunta dahil pagod na 'ko pero nagpahatak naman ako ng mga kaibigan ko dun sa reunion party ng mga rowers. Buti naman at ginawa nila yun dahil nag-enjoy ako kahit sandali lang ang linagi ko dun. Masarap yung pagkain, at panalo pala ang Erg. Saka ok yung mga tao in general. Isang nababagay na pagtatapos sa araw na 'to.

Speaking of today, what a day talaga 'to, for, shall we say, interpersonal relationships.



SATURDAY (October 23)

Pangalawang araw ng rummage sale. Nakakapagtaka dahil bago pa lang mag lunch mas marami na nabenta namin kesa dun sa buong araw kahapon. Akala kasi namin konti na lang ang kita kasi napagpilian na yung mga damit.

Wala akong ginastos sa lunch, kasi nagpaluto ng pagkain yung isang mem, at birthday naman nung isa pa kaya nanlibre siya. Ang saya.

Panalo pala group namin. Anilao na ito! (Kung kelan man.) Pero ang talagang may gawa nito ay ang dalawa sa mga groupmate. Una, yung nagdala ng saksakan ng dami ng damit. Pangalawa, yung gumamit nung van nya para maghakot ng mga bibili. Kayo ang mga talagang panalo.

Di na 'ko nagpunta dun sa despedida nung isang mem (bon voyage na lang at good luck sa career sa States), at imbes ay nag-McDo na lang kami nung ilan sa batchmates ko. Dun na lang kami lumamon.

Sayang. Dapat makikipagtelebabad pa 'ko kaso nakatulog ako. Ok lang kasi kinailangan ko ring gumising nang maaga dahil madaling araw ang alis ng tatay ko. Saka inabot na rin talaga ako ng pagod.


Paano, what a week naman kasi 'to.

10/6/04 08:02 am - we got older but we're still young

bago ang lahat, nung lunes, habang "SCQ Reload", sa baba ng screen ay nakalagay ang mga headline ng "TV Patrol":

"7 ESTUDYANTE HINOSTAGE SA ST. STEPHEN'S SCHOOL SA MAYNILA"
"BAGYONG 'ROLLY' NAMATAAN SA SILANGAN NG LUZON"
"RIO DIAZ, PUMANAW NA"
at, ang nagpatawa sa 'kin nang pinakamatagal mula nung nanood ako ng "Feng Shui",
"JUDY ANN SANTOS MAY ALAGANG PINK NA PATO"

balita na ang ganyan ngayon! nung nanood ako ng tv patrol eh tungkol lang naman pala sa pet ng character niya sa "Kristala".

speaking of "Feng Shui", walang tatalo dun sa di-sinasadyang katatawanan nung isang scene kung saan tumatakas sila dun sa bahay na puno ng multo tapos hinayaan nilang mag-bike yung kapitbahay nila habang sila nakakotse. pero, muntikan na siyang pantayan ng "comeback" ng character ni Zhang Ziyi sa ending ng "House of Flying Daggers". dramatic dapat, pero di ko talaga napigilang matawa. saka yung ending in general. what?! how Evangelion.

saka yung linyang "I'm not afraid to die ... I've been dying a little each day since you came back" or something like that na sinabi ni Padme kay Anakin sa "Attack of the Clones", may katapat na siya nga ngayon:

after Wind (Takeshi Kaneshiro) places a flower in Mei's (Zhang Ziyi) ear --
Mei: "How do I look?"
Wind: "As pretty as a flower."
-- at isa pa, sabi pala sa simula ng pelikula na ang "Mei" ay isa daw klase ng bulaklak, kaya may isa pang layer yang dialogue na yan

actually meron pang mga ibang katatawanan. saka minsan ang bagal ng mga pangyayari, may time nga na napaisip ako ng, "hey movie, get moving!" pero pagbigyan na ang pelikulang yun at nagsiliparan naman talaga ang mga patalim ... patalim (echo). at kung ang moral lesson ng "Matrix" movies ay, "lahat ay nadadaan sa halik", ang moral lesson ng "House of THE Flying Daggers" (ika nga ng maling sign sa ticket counter ng Metro East) ay, "magpakipot".


other quotes from yesterday (na sadyang konti ang makaka-gets):


"Ayoko na, magshishift na 'ko sa EL, tapos, magtratrabaho na lang ako sa multilingual call center. 'Ola. Si? Yo soy computadora es...' Ok, wala na, ubos na Spanish ko. CCA na lang pala. O kaya mag-OSY na lang ako at maging projectionist ng sine sa Metro East."

"Huwag, ayokong sabihin, yun nga yung mas weird."
"Does it start with a letter '_'?"
"Of course it does."

"Magyaya ka ng mag-rorow." (syempre may katuloy 'to pero naisip ko mahirap na)


parang ang daming pop culture references ng entry na 'to.

9/30/04 10:23 pm - i wanna be everything except for your mistake

bad trip ang simula ng araw na ito dahil nag-cram pa ako para sa PI reporting tapos di ko pa nagagawa yung problem na isusubmit dun sa majors ko, na klase ko pagkatapos ng PI. nung nagsalita ako sa PI, ilang beses akong nabulol sa "pinamagatan" saka "pamagat". dapat "title" na lang sinabi ko, nagsubok pa kasi akong mag-diretsong Tagalog.

ok lang naman yung nangyari sa majors ko, na-late ako dahil kami yung huling nag-report tapos medyo lumampas kami sa oras, pero pagkadating ko, sinagutan ko yung problem imbes na makinig, at natapos ko naman siya at naipasa nung kinolekta na.

meron palang reward ang perfect attendance sa art studies ko. muntik pa naman akong mag-cut kanina dahil sadya kaming nag-overtime sa majors ko dahil kulang pa yung discussion para sa exam sa sabado. ngayon, meron na akong keychain na minature na sword and scabbard.

sa MLHFC kanina, nanonood sila nung finals game, tapos binabantayan talaga nila. kaso, nag-champion. tulad ng narinig ko sa isa sa kanila, "bad trip! panalo ang ___". maapektuhan ba naman daw siya, di naman nya school yung natalo. how funny.

speaking of art studies and MLHFC, nung tinanong ko yung teacher ko kung sino yung architect ng Gesu (yung bagong simbahan dun sa eskuwelahang yun), nakwento niya na may issue daw ng BluPrint na yun ang fineature. BluPrint! frustrating dahil matagal ko nang gustong bumili ng magazine na yun pero mahal. saka kung may pera akong pambili ng magazine eh di Discover na lang sana (naks). back issues na lang, kaya Book Sale na ito. bukas, Filbar's Katipunan? pwede.

9/27/04 05:11 pm - will someone tell me what it takes to be happy

roller-coaster day na naman.

pero kuwento ko muna yung friday, na medyo ganun din. hindi masayang araw para sa ilan sa mga kaibigan ko, dahil may kani-kanila silang mga problema -- acads, mga ninanais na hindi nakamit, at interpersonal relationships.

ako naman kunsumido na naman sa lab report. buti na lang may mga kaibigan akong handang tumulong kahit wala naman silang mapapala sa 'kin.

at dahil napadpad na naman ako sa albert nauwi na naman kami sa gimik. "feng shui" sa SM North. mostly hindi nakakatakot, nakakagulat pwede pa. ayoko nang mag-review, kaya ang masasabi ko hindi ako masyadong natuwa, pero sulit ang lakad dahil masaya talagang kasama yung mga yun kahit kelan. panay hiritan kasi ang naganap.

nun namang sabado may hinahanap kami ng dad ko sa Megamall pero di namin nakita. saka may bago namang problema yung isa ko pang kaibigan.



balik sa ngayon.

may mga sked ng mga last exam at finals. nung linista ng mga kaklase ko sa blackboard lahat nung para sa mga majors namin, na-overwhelm kami.

ang init ng ulo ko kanina. sobra kong nasungitan yung lab groupmate ko, paano, di ko nagustuhan yung tono ng pananalita nya tungkol dun sa isa naming report. sa galit ko may nadamay pa ako na wala namang kasalanan. pero nagka-txt na kami, ang reply niya ok lang naman daw.

tapos natuloy kami sa Lots' a Pizza. yehey!

dapat pupunta naman ako sa SM North para hanapin uli yung di namin nahanap nung sabado pero dahil biglang nakita ng kasama ko yung bosing niya sa research lab ay di kami natuloy kasi kailangan niyang magpakita sa lab ng alas kuwatro. kaya, sa katipunan na lang kami para makabalik kaagad. tapos, sa katipunan lang pala, meron nung bagay na hinahanap ko. ayos.

9/21/04 09:36 pm - i'll try to stay awake when i go when i get home

mandarambong na pala ako ngayon. una, yung claim card sa cellphone deposit nung nanood kami ng lysistrata (sorry, di kinuha nung attendant eh). tapos, kumain naman kami (hindi parehong "kami", bale ibang "sila") ng pizza nung sabado pagkatapos ng exam, may nakalimutan silang i-charge na order (sorry, kasalanan niyo din).

kahapon, nainggit ako sa kaibigan ko dahil may pin siya ng banda nila. sabi ko, "gusto ko rin ng pin!" sagot niya, "bili ka pag nagpunta dito yung vocalist namin." at maya-maya (mga ilang minuto lang), dumating nga siya. napasigaw pa nga ako pagkakita sa kanya ng, "pabiling pin!" bihira yung ganong pagkakataon na may nagustuhan kang bagay tapos nakuha mo agad. syempre pin lang yun pero pagbigyan niyo na ako. saka yun pala yung unang pin na binili ko, ganun ko kagusto yung banda nila. at hindi lang dahil kilala ko yung mga tao dun.

nung pauwi ako kahapon naglalakad ako sa katipunan, tapos ang ganda nung ilaw nung sunset saka yung hitsura at kulay nung mga clouds. sa mga pagkakataong ganun nangangarap talaga ako na sana may dala pala akong camera.

kanina nagtataka yung co-apps ko kung anong nakain ko kasi maingay daw ako. maingay naman talaga ako, tahimik lang ako mas madalas. medyo shy pa kasi ako sa kanila, kaya di ako nagsasalita gaano, liban nga lang nung kanina. jinoke ko kasi yung "i'll always remember, she's wondering what clothes to wear." actually di bumenta kaya tumigil na 'ko, dapat itutuloy ko pa sa, "tonight i need your sweet caress, color every magic moment."


examples of humor in class:

"sir, ituturo niyo ba yung topic na yan sa monday, before wednesday?"
(kasi medyo related yung topic na yun sa isa pang topic sa ibang subject namin, na may exam naman sa wednesday)
"actually pwede ko naman siyang ituro sa monday before saturday."

"sir, yung quiz niyo ba, announced?"
"o syempre, you can't have a quiz without announcing it, hindi naman ata pwede yung nag-quiz kayo nang di ko sinabi."
"hindi sir, i-a-announce niyo ba beforehand?"
"oo naman, alangan naman i-announce ko after, mahirap yun."
Powered by LiveJournal.com